Ricky Sings added 7 new photos to the album: Mga Sakit at Kondisyon na Maaaring Matulungan ng SALUYOT.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA SALUYOT?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang saluyot ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang dahon ng saluyot ay makukuhanan ng anthocyanin, alkaloids, terpenoids, tannins, flavonoids, cardiac glycosides.Mayaman din ito sa calories, protein, fat, carbohydrate, fiber, calcium, phosphorus, iron, sodium, potassium, beta-carotene, thiamine, riboflavin, niacin, at ascorbic acid.Ang mga buto naman ay may taglay na alkaloids, tannins, flavonoids, glycosides, saponin, cardiac glycosides, anthraquinones, steroids, at volatile oil
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon. Ang dahon ay karaniwang nilalaga at pinapainom sa may sakit. Maaari din itong patuyuin at pulbusin bago ihalo sa inumin.Buto. Ang maliliit na buto ng saluyot ay karaniwan ding ginagamit sa panggagamot. Ito ay maaaring dikdikin at ihalo sa inumin, pulot, o sa pinaglagaan ng luya.
See Translation
No comments:
Post a Comment